Bob Ong on SMS

Posted December 10, 2008 by balt22
Categories: Damdamin

Recently, Bob Ong’s supposed quotations lifted from his books were being forwarded via SMS. Actually, Bob Ong have already made his disclaimer about this through his Web site. But some of these quotes are familiar with me and I know it is really from one of his books. I have once sent a quotation lifted from his book Stainless Longganisa which goes like:

“Ang hindi ba paggawa ng masama ay paggawa na ng mabuti?”

But what I have passed is completely different from what is being circulated now in mobile phones for most of them are about romance. Anyway, here are Bob Ong’s supposed quotations.

1. “Kung hindi mo mahal ang isang tao, wag ka nang magpakita ng motibo para mahalin ka nya.”

2. “Huwag mong bitawan ang bagay na hindi mo kayang makitang hawak ng iba.”

3. “Huwag mong hawakan kung alam mong bibitawan mo lang.”

4. “Huwag na huwag ka hahawak kapag alam mong may hawak ka na.”

5. “Parang elevator lang yan eh, bakit mo pagsisiksikan ung sarili mo kung walang pwesto para sayo? Eh meron naman hagdan, ayaw mo lang pansinin.”

6. “Kung maghihintay ka nang lalandi sayo, walang mangyayari sa buhay mo.. Dapat lumandi ka din.”

7. “Pag may mahal ka at ayaw sayo, hayaan mo. Malay mo sa mga susunod na araw ayaw mo na din sa kanya, naunahan ka lang.”

8. “Hiwalayan na kung di ka na masaya. Walang gamot sa tanga kundi pagkukusa.”

9. “Pag hindi ka mahal ng mahal mo wag ka magreklamo. Kasi may mga tao rin na di mo mahal pero mahal ka.. Kaya quits lang.”

10. “Kung dalawa ang mahal mo, piliin mo yung pangalawa. Kasi hindi ka naman magmamahal ng iba kung mahal mo talaga yung una.”

11. “Hindi porke’t madalas mong ka-chat, kausap sa telepono, kasama sa mga lakad o ka-text ng wantusawa eh may gusto sayo at magkakatuluyan kayo. Meron lang talagang mga taong sadyang friendly, sweet, flirt, malandi, pa-fall o paasa.”

12. “Huwag magmadali sa babae o lalaki. Tatlo, lima , sampung taon, mag-iiba ang pamantayan mo at maiisip mong hindi pala tamang pumili ng kapareha dahil lang maganda o nakakalibog ito. Totoong mas mahalaga ang kalooban ng tao higit sa anuman. Sa paglipas ng panahon, maging ang mga crush ng bayan nagmumukha ding pandesal, maniwala ka.”

13. “Minsan kahit ikaw ang nakaschedule, kailangan mo pa rin maghintay, kasi hindi ikaw ang priority.”

14. “Mahirap pumapel sa buhay ng tao. Lalo na kung hindi ikaw yung bida sa script na pinili nya.”

15. “Alam mo ba kung gaano kalayo ang pagitan ng dalawang tao pag nagtalikuran na sila? Kailangan mong libutin ang buong mundo para lang makaharap ulit ang taong tinalikuran mo.”

16. “Mas mabuting mabigo sa paggawa ng isang bagay kesa magtagumpay sa paggawa ng wala.”

17. “Hindi lahat ng kaya mong intindihin ay katotohan, at hindi lahat ng hindi mo kayang intindihin ay kasinungalingan.”

18. “Kung nagmahal ka ng taong di dapat at nasaktan ka, wag mong sisihin ang puso mo. Tumitibok lng yan para mag-supply ng dugo sa katawan mo. Ngayon, kung magaling ka sa anatomy at ang sisisihin mo naman ay ang hypothalamus mo na kumokontrol ng emotions mo, mali ka pa rin! Bakit? Utang na loob! Wag mong isisi sa body organs mo ang mga sama ng loob mo sa buhay! Tandaan mo: magiging masaya ka lang kung matututo kang tanggapin na hindi ang puso, utak, atay o bituka mo ang may kasalanan sa lahat ng nangyari sayo, kundi IKAW mismo!”

19. “Ang pag-ibig parang imburnal…nakakatakot mahulog…at kapag nahulog ka, it’s either by accident or talagang tanga ka..”

You’ll Always Be My Baby

Posted May 26, 2008 by balt22
Categories: Uncategorized

Katorse ang halaga ng katangahan

Posted May 7, 2008 by balt22
Categories: Damdamin

Tags:

Minsan, may bayad ang kaengotan. Kaya hindi maganda pag napapadalas — mamumulubi ka.

*****************

Kung may nakakita sa aking kakilala kanina, siguro naisip niyang wala na naman ang isipiritu ko sa pisikal kong katawan. Naglalakad ako nun mula sa opisina papunta ng Ayala MRT. Uwian. Muntik pa akong masagasaan habang tumatawid ng kalsada. Sa Makati pa naman, pag green light para sa mga sasakyan, hinto talaga ang mga tao. Kung bakit ba naman tuluy-tuloy ako sa paglalakad.

Kung bakit ba naman kasi iniisip ko pa ang mga dapat na sinasabi ko sa kanya. Pag kaharap ko naman siya, dinadaga naman ang dibdib ko. Bakit kaya ganun? Ang lungkut ko kapag wala siya; andami kong angal; namimiss ko siya. Lahat nasasabi ko pag wala siya. Pero pag kaharap ko na, walang puwang ang kalungkutan. Lagi lang masaya… na para bang kapag sumaging minsan sa puso kong sabihin na, tatanggi ang isip ko at aayaw na sirain ang mga ngiti sa mga labi niya. Ang sarap niyang tingnan pag nakatawa na parang ayokong mabahiran ng latak ng mga lungkot ko.

Sasarilinin ko na lang.

*****************

Magsu-swimming pala kami sa Batangas sa May 17. Kasama ng ilang mga katrabaho. Excited ba ako? Hindi naman. Pero may isang sentimental na planong pumapailanlang sa isipan ko.

*****************

Siguro, kung may makapaglalarawan ng nangyari sa akin nung hapon na yun, yun ay ang paglangoy. Madali raw ang lumusong sa tubig; ang mahirap e ang umahon.

Nasa MRT na ako nang maalala kong dapat e nag-withdraw ako ng pera. Kulang ang pera ko pambili ng stored value ticket, e mamamasahe pa ako pagbaba ko ng tren. Ang iniiwasan ko pa naman, e ang pumila kinabukasan ng umaga para bumili ng ticket ng tren. Lalo sa MRT station sa North Ave, siksikan talaga. Hindi masaya yung experience na ginigitgit ka ng mga tao. Iba-ibang hininga, iba-ibang amoy. Hassle!

Kaya nakaisip ako ng isang pinakamatalinong ideya: bibili na ako ng dalawang single journey ticket; isang gagamitin ko para sa hapong iyon, at isa para kinabukasan. Wais! Di na ako pipila kinabukasan! Tsk, tsk! Ang talino!

Bobo.

*****************

Ang tagal kasing nakasisid sa ilalim ang isip ko. Nahirapan tuloy akong umahon.

Protected: Balt on SIKIL

Posted April 26, 2008 by balt22
Categories: Indie Films

Tags: , , , ,

This post is password protected. To view it please enter your password below:


Ping-pong

Posted April 21, 2008 by balt22
Categories: Text

Tags: ,

Isang hapon, nag-text sa akin si Nelay. Ganito ang sinabi niya.

Nelay: Ang stupid ko ngaun, hindi ko malaman kung anong tamang desisyon. Parang dalawang magkaibang tao ang nagdidiskusyon, hindi pa ako kasama don.

…na ni-replyan ko naman ng ganito:

Balt: Di kaya natatakot ka lang gawin kung ano talaga ang gusto mo? Kung yun, normal lang yun. Minsan, nagdadahilan lang ang utak. Pero ang totoo, takot lang ang puso.

Wala namang dapat ipagtaka. Ganyan kami talaga mag-usap ni Nelay. Pati yung pag-pasok ng mga letra sa screen ng cellphone, ganyan. Ako, nahihirapan na ako ngayong magputul-putol ng salita sa pagti-text, yun bang text-spelling. Hirap. Tingin ko kasi nakakabobo yun, at madalas na nga akong wrong grammar e spelling na lang e mamaliin ko pa ba? Wala. Pero teka. Di naman yan ang punto.

Kasi, ganito lang ang sagot sa akin ni Nelay:

Nelay: Siguro… Argh! Ang hirap. Papunta nga pala kami ng baguio bukas, isa p un, hindi ako makapag desisyon kung sasama… Educators event un. Ung ayaw kong iwan pamilya ko dito.

Tsk! Para sa akin kasi talaga yung reply ko sa kanya.

 

 

 

Pagal at Pagkaligaw

Posted April 20, 2008 by balt22
Categories: Damdamin

Tags:

Linggo. Wala kami sa bahay. Dumalaw kami sa bahay ng Lola ko sa Caloocan. Birthday niya, 89 years old. Natutuwa akong nakita siya, at malakas-lakas pa sa edad niya. Natutuwa ako sa pagkaabot niya ng ganung edad. Natutuwa ako sa kanya, nalulungkot ako para sa sarili ko. May mga tanong sa isip ko tungkol sa pagtanda. At pagkat malungkot na ako nitong mga nakaraang araw dahil na rin sa iba’t ibang mga pangyayari sa pamilya, kaibigan, at minamahal e binayo na ng sama ng loob ang dibdib ko.

Nung mga oras na yun, alam kong sa kabilang panig ng mundo ay may isang tanawing nagaganap na ayaw ko mang saksihan ay nanunuot naman sa diwa ko. Masakit.

Dahil ayaw kong ipahalata ang dinadala ko sa dibdib (o mas tamang sabihing walang dapat makahalata) kinuha ko yung bike ng pinsan ko na nakaparada sa gilid ng bahay namin. Pinaandar ko. Kailangan kong tigilan ang pag-iisip kaya ginawa kong busy ang katawan ko. Tuluy-tuloy ako sa pagmamaneho. Inuunahan ko yung mga tricyle na namamasada. Binibilisan ko kahit pataas pa ang mga daan. Tumigil lang ako dahil kinakapos na ako ng hininga.

Huminto ako sa lilim ng isang puno. Ibinagsak ko ang bike sa gilid saka ako sumalampak sa semento. Hingal ako nang hingal. Nung mga oras na iyon, di ko na alam kung nasa’n na ako. At alam kong matapos kong problemahin ang paghahabol sa hangin nang di nagku-collapse, e iisipin ko naman kung pa’no ang daan pauwi. Bandang hapon na yun, pero kalat pa rin ang sikat ng araw kaya mainit.

Uhaw ako. Kulang ako sa hangin. Masama ang loob ko… at naiisip ko ang mga iyon. Pawisan ako, at lumuluha. Yumuko ako at ipinatong ang ulo sa mga tuhod. Pasinghap-singhap ako sa paghahabol ng hininga.

Nahimasmasan ako ilang sandali. Muli akong sumakay ng bisekleta upang tuntunin ang daan pauwi. Naliligaw talaga ako. Pero hindi na bago yun. Matagal na akong nawawala, at naghahanap ng daan pabalik sa sarili ko. Nakakatakot ang maligaw, walang seguridad. Nakakalungkot rin, kasi mag-isa ka lang. Lalo pa, nakakapagod kasi may hinanahanap ka.

Ilang sandali pa, natunton ko rin ang daan pabalik. Pinaram ko ang lungkot sa mukha ko bago ako pumasok ng bahay. Nginitian ko silang lahat at pinamalita ang kabobohan ko.

Natunton ko ang daan pabalik ng bahay. Pero alam ko sa sarili kong naliligaw pa rin ako. Natatakot pa rin. Nalulungkot. Naghahanap.

Pagal…

Protected: Tula Alay Kay Balt

Posted April 19, 2008 by balt22
Categories: Lipas

Tags:

This post is password protected. To view it please enter your password below:


Olats

Posted April 17, 2008 by balt22
Categories: Damdamin

Tags:

Naisip ko na yun. Inasahan ko na. Kumbaga, alam kong ganun naman talaga ang mangyayari. Pero tulad sa karaniwan, kapag nangyari na, kapag nasa harap mo na ang katotohanan, may sipa pa rin!

Bakit nga ba ang hirap tanggapin ng totoo? Nung sinabi niya yun sa akin kanina, naramdaman ko nang ito na. Sa unang bato niya pa lang ng salita, nahagingan na ako, at ramdam ko! Parang may apoy na bumalot sa puso ko. Na umabot sa labas ng katawan ko. Parang si Gouku kapag naka-super saiyan. Mainit naman talaga. Summer. Pero sa pakiramdam ko, hindi dulot ng klima yung init sa katawan ko. Kundi, sa damdaming ibig kumawala – na sinupil ko, para di mahalata.

Nung hindi na haging. Nung diretso na niyang ibinato, sapul na talaga. Ganito eksakto ang pakiramdam ko: parang nagging malamig na juice yung dugo sa loob ng puso ko. Tapos hinalo. Yung buong dibdib ko, parang hinuhukay.

Nagkwento siya. Pinakinggan ko. Nagpayo pa ako. Pero shit! Kahit alam ko naman sa sarili ko na bukal sa loob ko ang mga payong iyon, sumisigaw talaga ang damdamin ko. Nasasaktan ako. At gusto kong magmura! Magbibiro ako, tatawa. Pero putsa! Hindi lang yun ang dapat lumabas!

Sa paglalakad ko pauwi, lumalakbay pa rin ang isip ko. Nakatingin ako sa lupa, nakayuko. Yung dalawang kamay ko, nakapasok sa mga bulsa sa likod ng pantalon ko. Dumaan ako ng simbahan at nagdasal. Nangingilid ang luha sa mga mata ko. Hindi ako nagtitimpi, ayaw lang talaga tumulo.

Sa pagdating ko sa bahay, nakaharang sa pinto ang nanay ko. Gusto kong sumubsob sa mga balikat niya at umiyak. Gusto kong may makaalam na nasasaktan ako. Pero, hindi ko nagawa. Ang hirap nang sinasarili ang sakit ng damdamin. Dumiretso ako sa kwarto. Pigil ang paghikbi, ibinuhos ko ang luhang kanina pa nangingilid sa mga mata ko. Pero alam ko, hindi na lang iyon tungkol sa nalaman ko kanina. Mas iniiyakan ko yung pakiramdam na sinasarili ko lang yung sakit. Walang mapagsabihan. Walang maiyakan.

Masakit tanggapin ang katotohanan. Pero, nung mga oras na yun, mas nasasaktan ako dahil di ko maipatalos ang tunay kong nadarama.

Para sa kanya: you deserve to be happy. Palasak na yan. Salamat sa lahat. Sana. Hiling ko lang. Sana, naging totoo ang mga pinagsaluhan nating damdamin noon. Para, kahit pano, may babalikan akong masayang ala-ala.

Protected: Nag-iisa, Wala Ka Na

Posted March 21, 2008 by balt22
Categories: Uncategorized

This post is password protected. To view it please enter your password below:


Protected: Amanha

Posted July 12, 2007 by balt22
Categories: Damdamin

This post is password protected. To view it please enter your password below: